h1

Naalaa ko lang!

February 21, 2007

Apo Lakay days… isang eksena kung saan nagbabalot ako at gustong lumayas… haha!

h1

EM-ARH-TEE /(n): aircon daw pero mainit sa loob dahil sa sobrang luwang. Lugar na dapat binabantayan ng media dahil dito karamihan may away.

February 12, 2007

Ale: pausog, late na po ako.

Manong: manang gusto mo ba mauna muna’yung ulo mo, balikan mo na lang ‘yung katawan mo mamya?  Hindi na kasi kasya e.

Ale: Magtigil ka nga diyan, haynaku wala na talagang natitirang gentleman sa mundo.  Kalalaking tao, di man lang lumabas muna dahil late na ako.  Akala naman niya siya lang ang taong sumasakay sa MRT-e-kaya-nga-ginawa-yung-mrt-para-sakyan-sobrang-late-na-ako-mawawalan-ako-ng-trabaho-nito-e-tapos-ang-init-init-pa-dito-o-yung-mga-bukol-nyo-itabi-nyo-muna-nasasagi-ng-balakang-ko-o-ano-di-mo-pa-ako-papasingitin?

Mama: (Kumaway at nagsabing ba-bye!  Nakaalis na kasi ang tren at naiwan ang ale)

-End-

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.