h1

Gusto ko na mamatay!

April 29, 2007

Minsan pasaway din ang klima o panahon sa nararamdaman, madami sa mga naisulat kong tula ang nagsasabi na kapag malungkot, umuulan o sinasabayan ng patak ng ulan ang bawat luha, o makulimlim dahil hindi maganda ang pakiramdam mo.  Kapag masaya naman, maaliwalas ang langit, kulay blue ang sky at maputi ang mga ulap… pero natatandaan ko, sa oras na ‘yun, kahapon… nakangit ang araw, humahalakhak ang mga ulap, bughaw na bughaw ang kalawakan, pero umiiyak ang loob-loob ko, nagtatangis ang kaluluwa ko.

Gusto ko nga sana, samahan ako ng ulan sa pag-iyak kaso hindi naman nakisama, nagtago siya na parang nagsasabing sarilinin ko lang ang pait na nalalasahan dahil sa maling bugso ng damdamin, ng puso sa taong di mo na din maintindihan… 

kung nasa painting ako, nakakasira siguro ako sa view… maganda ang paligid, masaya pero makikita mo ako sa sulok, pinipilit ‘wag umiyak kahit na halos malunod na sa luha ang kalooban.  Bakit kasi ganito ako makaramdam, nakakasakit sa kalooban…

h1

More Shots from Apo Lakay!

February 21, 2007

Apo Lakay

Ang Pagsugod

Pag-iisa

Ang Pagsugod!

vimage047.jpg